Diary · Midnight Thoughts

My Fave Songs and Lyric line at All Time

Blog muna para mabawasan ang stress.. So honestly, I dont usually share my playlist to anyone and in this blog I will openly and whole heartedly (lol!) share my some fave songs and it’s lyric line that has a special place to my heart and the reason behind it. 
1. When I Dream About You- Gracenote cover version

Gusto ko ang version ng Gracenote compared to its original version kasi mas lively. Aside sa maganda ang meaning ng kanta,  I really loved this because it reminds me of my mom who passed away 2 yrs ago. Lagi namin kinakanta nila mama at ng dalawang ate ko ‘to. Yung tipong lahat kami nakangiti while singing this. Naging bitter lang ako sa kanta na ‘to the time na medyo fresh pa yung pangyayari na wala na si mama.. nagiging emotional ako pag naririnig ko kasi sya ang naaalala ko. Pero ngayon everytime na naririnig ko ‘to nakangiti na ako kasi tanggap ko na and masaya na ako kung nasan man si mama. I know she’s always there..

2. Save You Tonight by One Direction

I’m a Directioner since 2012 and this song is one of my ultimate faves because it reminds me of my ideal love or puppy love. First crush ko sya and codename ko sa kanya is Superman kasi parehas kami na fave superhero na si Superman. I consider him rin na ‘Superman’ dahil sa kanya nagkaroon ako ng motivation sa pag-aaral at nabawasan ang pambubully sakin noon sa gradeschool. Sya rin yung first ever guy na naging kaclose at parang naging best friend ko. Di nya alam na yung little actions nya is nakatulong sakin to be a better person. Wala eh, naging inspiration ko talaga sya and even until now may konting admiration pa rin ako sa kanya kahit nagkakacrush ako sa iba. Hahaha. 

3. Settle for less by Before you exit

This is the song na magsasabi sayo na kelangan mo lang talaga buksan ang ‘yong mga mata para makita kung sino ang tunay na nagmamahal sa’yo. Malay mo nandyan lang sya sa tabi. Ikaw anong mafifeel mo if there’s somebody na may magsabi ng lyrics line na ‘yan while being stupid loving someone na ‘di ka naman naappreciate?
4.  Chloe by Emblem3

I’m one of those ‘Chloes’ na maraming insecurities sa katawan minsan napapaisip ako na buti pa mga ate ko magaganda at maayos sa sarili samantalang ako mukhang patatas tapos laging hopia. But because of this song, naniniwala ako na balang araw may magsasabi rin sa akin ng ganyang linyahan. Lol. 
5. Endlessy by The Cab

Gaganda talaga ng mga kanta ng The Cab but iba feels ko sa ‘Endlessly’. Nalaman ko ‘tong song sa isang story sa wattpad at ito ang theme song. Na-lss agad ako mga bes! 

6. James Dean and Audrey Hepburn
 by Sleeping with Sirens

Fave ko ang acoustic version nito. Malakas impact sakin ng mga kanta ng SWS lalo na ‘to. Yung title ng song is wala talaga sa lyrics kaya nga nung una nagtataka rin ako kung anong kinalaman ng title sa song. Hahaha. Based on my research , nasulat ata ni Kellin ang song na ‘to dahil may nagsabi na hawig nya si James Dean and then sinabi nya na ang Audrey Hepburn nya is his girlfriend which is wife na nya ngayon. So this song is inspired to his wife. Kakilig lang! 


7. If I Were A Boy by Beyoncรฉ

Minsan gusto ko maging lalake kaya naman sa kantang to relate ako. Alam mo yung pakiramdam na sana naging lalake ka na lang? Hindi naman sa minamaliit ko yung mga guys pero kasi chill lang sila. Wala masyadong bawal at may independence. Pagbabae ang daming arte, daming bawal at daming kaekekan. Gusto ko rin maranasan manligaw at gusto ko rin maging katulad ng mga lalake na they know how to keep their real emotions unlike girls na sobrang emotional. At kung magiging lalake man ako, gusto ko maging seryoso sa babaeng gusto ko, ipaparamdam ko na isa syang prinsesa at gaano sya kahalaga. I don’t want girls taken for granted. 


8. Let her go by Passenger

Nalaman ko lang din ‘tong song sa isang wattpad story na inayakan ko talaga noon. Seriously. Yung damang-dama mo yung story dahil sa kanta na ‘to na pinapakinggan habang nagbabasa. Tsaka siguro naman yung kanta tagos sa mga taong nang-iiwan o kaya late na narealize ang totoong feelings nila sa isang tao the moment na nawala or sumuko na ito. Nasa huli talaga ang pagsisisi mga tsong! Wag kasing ganon. Haha. 

9. Angel With a Shotgun by The Cab

Isa pang kanta ng The Cab na fave ko! Ito yung kantang ‘isusugal ko ang lahat para lang sayo’ ang peg. Yang line na yan ang pinakatumatak sa isip ko the first time that I heard it. Bakit? Kasi pinaparating ng line na yan na, minsan talaga bago ka magtake risk at magpakabayani sa love alamin mo muna kung worth fighting for pa nga ba. Mamaya, sugal ka ng sugal tapos yung taong pinaglalaban mo matagal na palang sumuko. Para yung tanong lang na “mahal mo nga pero mahal ka pa ba”?

10. Save Your Heart –  Mayday Parade

Gusto mo ng mga tagos talaga at pagsentihan na songs nandyan ang Mayday Parade para sayo! Haha. Sarap makinig ng gantong mga kantahan lalo na pag umuulan, yung tipong babahain ka sa feels sa sobrang tagos. Ito ang kantang para sa mga taong katulad ko na madaling mafall. Charot! Syempre tulad ng sabi sa lyrics I’m saving my heart for someone that’s worth dying for. At ang love ‘di yan minamadali. And seriously, ganda ng meaning ng song na ‘to. ๐Ÿ’“
Kayo guys? Anong fave songs nyo at bakit? Baka pwede rin kayong magshare dyan!๐Ÿ˜‰

5 thoughts on “My Fave Songs and Lyric line at All Time

Leave a comment