Midnight Thoughts

It’s not about the brand

Sa mga millenials na katulad ko hindi mawawala ang #OOTD lalo na pag may galaan. Madaming magagandang brand ng damit sa bansa natin kaso nga, ayun, medyo pricey ang iba.

At ako kung ako ang tatanungin nyo, mas bet ko yung mura pero may dating at may quality. ‘Di kasi ako yung tipo na mahilig tumingin sa brand basta pag alam kong bagay sakin at komportable akong suotin bibilhin ko lalo na kung kayang-kaya ng bulsa. Hindi rin ako mahilig magpabili ng damit sa magulang ko incase na lang kung kailangan at ‘di kaya ng mahiwagang wallet ko. Madalas talaga ‘pag may gusto man akong bilhin ako na mismo ang bumibili from my ipon.

Yes, you don’t have to buy expensive clothes unless na lang kung afford mo talaga or may pambili ka. Nasa sa’yo naman kasi ‘yan kung paano mo dadalhin yung suot mo— branded or not branded.

And another yes! bumibili ako ng damit sa tyangge at ukay-ukay. Minsan nga mas bet ko pa ang mga damit sa tyangge at ukay-ukay.

Here are some clothes na nabili ko sa ukay-ukay..

IMGP0009        IMGP0011

Leather skirt & sleeveless denim jacket. Super mura lang nito mga bes, sa Recto ko binili nung sinama ako ni friend. Sobrang daming ukay-ukay doon at maraming magagandang clothes yung iba galing pang Korea. 2 for 100 ko ata nabili ‘to while yung red shirt naman ay sa tyangge for 50 pesos only! Oh di baaa?

IMGP0014

Leather boots. Sa iisang store lang namin ‘to binili ng friend ko kung saan ko rin nabili yung dalawang clothes. Ito LANG talaga sana ang balak kong bilhin sa Recto that time pero napasabak din ang wallet ko sa mga damit. Balak ko sanang bumili ng leather shoes online at pre-loved din kaso niyaya nga ako ni friend na sumama sa Recto kasi marami rin daw don na pre-loved shoes and nakahanap nga ako! Atleast dito mas nakamura ako at wala pang shipping fee na kasama. 🙂

Pink Cocktail Dress for 350 pesos! Kabibili ko lang nito last week sa may Antipolo. Super simple but elegant ang dating! Super bet ko ‘to kasi hawig nya yung suot ni Lee Yumi ng My Secret Romance kaya agad ko na syang binili the time na nakita ko sya. Mahaba pa sya medyo lagpas pa ng tuhod ko kaya for sure magagamit ko pa ‘to kahit siguro isang taon kong itago sa cabinet basta ‘wag  lang ako tatangkad ng super duper. Btw, nag-iintay na lang ako ng isang Cha Jin Wook ng buhay ko para masuot ko ‘to, charot!

 

Kaya sa mga millenials out there na katulad ko lalo na kung nag-aaral palang kayo at hilig nyong pomorma..it’s not bad to buy those cheap and not branded clothes after all because for me it’s not about the brand, it’s about the style and how you own the runway!

Advertisements

11 thoughts on “It’s not about the brand

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s