Diary

Itutuloy o hindi?

Naguguluhan ako.. super! Isa akong ABM (Accounting and Business Management) Student and upcoming grade 12 at ngayon naguguluhan ako kung itutuloy ko pa ba ang landas as an ABM student or magshift na sa HUMSS (Humanities and Social Science) kasi gusto ko magtake ng Masscomm or Journalism. Yung bestfriend ko kasi nagshift na sya from HUMSS (Psychology sana kukunin nya) into STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) strand kasi balak na nyang magmedtech.

Nung Grade 10 ako ang sabi ko gusto ko magjournalism kasi mahilig talaga ako magsulat and contributor din ako sa school magazine namin kung saan napopost ‘yong mgashort stories, poems, and articles ko. Madaming nagsasabi na mag-go na raw ako sa masscomm or journalism.

BUT, nagtake ako ng ABM.

Bakit nga ba ako nag ABM?

Nagkainteres ako sa business nung nagsimula kaming magtinda ng grahamballs (lol) sa school, nagloading business din ako and even magbenta ng mga headbands sa mga kpop concert. Balak ko na talaga magtake ng business management/ad talaga at pumasok na rin sa isip ko na magkabusiness someday.. kaso nitong kelan may mga perfomance tasks kami sa minor subjects na kadalasan ay filming, advertising and paperworks. Nag-eenjoy ako sa paggagawa ng manuscripts, video-editing, pagproproof read ng mga group papers and even sa pagdi-direct during our filming. Yung mga classmates ko pa nga minsan ang nagsasabi na ako na bahala sa scripts kasi alam nilang hilig kong magsulat at willing naman ako magvolunteer. And to be honest, gustong-gusto ko rin maggawa ng short films someday ‘pag may magandang camera na. LOL.

Pansin ko na ang mga perfomance tasks or activities namin that time parang related talaga sa course na gustong-gusto kong kunin noon which is masscomm or journalism.

Kaya naman may times na nagsisi ako na dapat pala nag-HUMSS na ako.

And this last sem, hindi ko talaga na-enjoy yung mga subjects ko. Nagsosolve lang ako ng mga business problems kasi kailangan kong ipasa yung subject na ‘yon. Tinatamad na rin akong pumasok sa major subjects ng strand namin dahil ayaw ko na rin makita yong mukha ng prof namin (it’s not my intention na ipahiya sya pero ‘di talaga sya maayos magturo) at ‘di na talaga ako nag-eenjoy sa klase. Sad but true, para bang pumapasok na lang ako kasi kailangan ko ng maayos na grades at attendance.

YES, WALA ‘YONG EXCITEMENT AND ENJOYMENT unlike noong naggagawa ako ng mga manuscripts, pagdi-direct and pag-eedit ng vids na kahit babad sa harap ng computer at nangangain ng oras ay ibang-iba ang feels.

Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ‘to or magshishift na ako sa HUMSS. Nanghihinayang din kasi ako sa isang taong pinag-aralan ko as an ABM student tsaka kailangan ko magtake pa ng ibang subjects kung sakaling magshi-shift ako pero okay lang naman sakin.

 

Ilang gabi na ako ‘di makatulog ng maayos at naguguluhan pa rin kaya I really need advice po. Huhu.

Advertisements

5 thoughts on “Itutuloy o hindi?

  1. Kahit graduate ka ng HUMSS/Masscomm, pwede ka pa ring mag-establish ng sarili mong business someday šŸ™‚ kaya mas maganda na sundin mo kung ano talaga yung ‘passion’ mo šŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Thank you po sa advice ate šŸ™‚ Oo nga, iba pa rin po talaga pag passion mo ang susundin. Sabi pa nga po ng ate ko na follow my heart daw.. šŸ™‚

      Liked by 1 person

      1. Oo habang maaga pa magshift ka na, mas mahirap pag pinatagal mo pa… Or pag natapos ka ng SHS, pwede ka bang mag-Masscomm kahit ABM ka? Or limited lang talaga sa Business Management courses yung pwede mong itake sa college? Di ko kasi alam ang kalakaran ng senior high ngayon eh hehe šŸ™‚

        Liked by 1 person

      2. Kaya nga po baka nga po mahirapan ako. Ang alam ko po pwede naman magshift kaso hindi po mac-credits yung ibang mga subjects mo na di related sa course na kukunin mo (so parang nasayang lang din yung 2 yrs in sh). Bale po kasi itong senior high is preparation sa college so may advantage po kapag yung strand na pinili mo ay related na sa course nakukunin mo in college.

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s