Story

Short Story: Ang Ulan

This story was firstly posted in our school magazine and originally posted in my Wattpad acc wayback March 27,2015 but I deleted it and decided to put it here with some revision. Original title: Ang Payong at ang Ulan.

~*~*~

“Mama bakit po ba umuulan?”

“Malungkot po ba ang kalangitan o galit kapag-umuulan? Umiiyak po ba ‘yong mga Angel do’n sa heaven?”

‘Yan ‘yong mga katungan ko noon kay mama noong huling araw na nabubuhay pa siya at naka-confine pa siya sa hospital dahil inatake na naman siya ng asthma niya.

“Pag nakakita ka ng taong umiiyak ano ‘yong una mong iisipin ,anak?” tanong niya pabalik embes na sagutin ang mga tanong ko. Kahit naguguluhan pa ako noong mga panahon na ‘yon ay sinubukan ko siyang sagutin.

“Pag nakakita ako ng taong umiiyak? hmm..”nilagay ko pa sa baba ko ang kamay ko sabay isip ng sagot “tingin ko malungkot o kaya may problema siya.”

Ngumiti siya kaya akala ko tama ang sagot ko.. pero hindi pala.

“Bunso..hindi lahat ng taong umiiyak ay malungkot o may mabigat na problema o pasanin. Kagaya na lang noong isinilang kita. Oo, umiyak ako pero hindi ibig sabihin no’n ay malungkot si mama sobrang saya ko kaya noong nakita kita.” nakangiti niyang sabi sabay gulo sa buhok ko kaya napangiti rin ako “Parang kalangitan din ‘yan.. Hindi natin alam kung malungkot ba ang langit o masaya kaya umuulan. Kagaya ng taong umiiyak, hindi natin alam kung anong rason kung bakit sila umiiyak..malungkot ba, may problema o sadyang masaya lang sila.”

Dahil nakaramdam na naman ako ng pagpatak ng ulan ay agad akong natauhan at napatigil sa paggunita ng huli naming pag-uusap ng aking ina. Agad akong sumilong sa waiting shed sa labas ng aming paaralan. Dito ko na lang hihintayin si ate para sunduin ako.

“Ang lamig…”bigla ako napalingon sa kinaroroonan nang boses na narinig ko na mula sa isang babae. Dalawa na lang kaming taong  nandito. At katulad ko, ang babae ay may suot din na uniporme na kakulay ng aking uniporme  at may logo rin ng paaralan namin sa necktie niya. Siguro late na rin siyang lumabas ng paaralan o kaya kanina pa siya naghihintay ng sundo niya rito.

“Hayyy! Bakit kasi hindi ako nagdala ng payong oh?” aniya.

Bigla akong napaisip. Oo nga pala, pwede naman akong umuwi na lang mag-isa dahil may dala naman akong payong. Huwag ko na lang kayang hintayin ang kapatid ko dahil baka abutan pa sya ng baha sa daan papunta dito dahil kanina pa walang hinto ang ulan.

Kinuha ko ang itim na payong sa aking bagpack kaysa maghintay ako rito at mainip uuwi na lang ako mamaya pa ay abutan pa ako ng baha. Maigi na ang handa.

“Rain Wu pwedeng makisabay? Wala kasi akong dalang payong.” agad akong napatingin sa taong tumawag ng pangalan ko. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko eh ‘di ko naman siya kilala? “kinakapalan ko na talaga ang mukha ko..Pasensya na. At ‘wag ka palang magtaka kung bakit ko alam ang pangalan mo..”

Ngumiti sya. Senenyasan niya ako at itinuro ag ID ko.

Oo nga pala may ID nga pala ako.

“Ahh..sige. Hatid na lang kita sa sakayan ng jeep. Ahhmm..tara? ”

Binuksan ko ang payong at sabay kaming naglakad sa ulan.

Hindi ko namalayan na nakikipag-usap na rin pala ako sa kanya, hindi kasi ako sanay na makihalubilo lalo na sa mga babae, syempre, maliban sa ate at mama ko pero ‘tong babaeng kasabay ko ay ay ang gaan kagad ng loob ko kahit hindi pa kami gano’n katagal na nag-uusap. Masayahin kasi siya at madaldal kaya siguro nakuha niya agad ang loob ko.

Simple, hindi kaputian, may katangkaran at may mahaba at maitim na buhok siya. At kapag ngumingiti siya ay lumalabas ang dalawa niyang dimples sa magkabilaang pisnge niya. Nalaman ko rin na ‘Sunny Dela Vega’ pala ang pangalan niya.

Napatigil ako sa paglalakad nang nakita ko na may tumutulong luha sa mga mata niya habang naglalakad.. Bakit siya umiiyak?

Masaya ba siya o malungkot?

Tingin ko ay malungkot siya dahil kitang-kita ko ‘to ngayon sa mga mata nya at a tingin ko ay kanina niya pa kinikimkim ang nararamdam niya.

“May problema ka ba Sunny?” agad kong tanong sa kanya. Hindi ko ugaling mangialam ng buhay ng iba pero nag-aalala lang kasi ako.

“ ‘Yong boyfriend ko kasi eh…”sabi niya habang nakatakip sa mukha niya ang mga kamay niya at napahagulgol “Sorry ha? nakikita mo pa akong nagdadrama sa harapan mo.”

Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na sa gan’tong sitwasyon. Niyaya ko muna siya sa isang coffee shop malapit sa aming paaralan para kahit papaano ay mainitan siya sa lamig ng panahon at para gumaan din ang pakiramdam niya. Ito lang kasi ang kaya kong gawin para matulungan siya.

Noong una ay tumatanggi siya hanggang sa mapapayag ko. Umorder lang ako ng dalawang cappuccino coffee.

“S-so, anong problema n’yo ng boyfriend mo?” hindi ko maiwasang ‘di magtanong.

Ikwenento naman niya ang lahat simula noong nagkakilala sila ng boyfriend niya. Hanggang sa paano siya iwan ng boyfriend niya at ipagpalit sa bestfriend niya. Hindi nga  siya makapaniwala dahil bestfriend niya pa ang nagtaksil sa kanya embes na ito ang masasandalan niya kapag may mga ganito siyang problema.

“Mga traydor sila! Alam mo bang gusto ko ng magwalk in the rain session do’n kanina at magpakasenti habang umuulan kaso naalala ko na madali nga pala akong magkasakit at baka maging kasing panget ko pa silang dalawa. Dahil mahal ko ang sarili ko, ‘di ako nagpakaemo.” Pagbibiro niya kaya natawa kami pareho.

Kakaiba talaga ‘tong babae na ‘to. Kahit may problema nagagawa pang magbiro at tumawa. Bagay nga talaga ang pangalan niyang Sunny.

 “Let me guess.. Mahiyain ka ‘no? Tahimik? Anti-social?” napangiti naman ako at napangiti. “Halata eh! Teka, bakit Rain ang pangalan mo? baka may history ‘yan katulad ng akin..Pinaglihi kasi ako ng mama ko sa sunny side up egg kaya ayon Sunny ang pinangalan sa’kin. Lakas ng trip ng mama ko eh.”

“Ahh…Naaalala kong sabi ng mama ko kaya Rain ang ipinangalan niya sa akin kasi noong ipinanganak niya raw ako ay kasagsagan ng ulan..sobrang lakas daw ng ulan noon pero wala namang bagyo kaya sa bahay ako ipinanganak embes na sa hospital. Noong nakalabas raw ako sa sinapupunan niya ay unti-unting tumila naman raw ang ulan kaya Rain ang pinangalan niya sa akin.” pagkwekwento ko.

Tumagal din ang pag-uusap namin. Sinabi ko  rin sa kanya na isa ako sa bagong transfer sa school at nalaman kong graduating student din pala siya katulad ko.

“Ano pa lang section mo? Section 4-B kasi ako.” tanong niya. “Teka hindi mo talaga ako kilala? Namumukhaan or something?” 

Umiling ako.

“Section 4-A ako. Hindi eh, pero parang pamilyar ang mukha mo.. ‘Di kasi ako palalabas ng classroom namin at kung lalabas man ako ay lagi akong nakayuko at ‘di tumitingin sa mga taong nakakasalubong ko. ‘Di rin ako palatandain sa mukha.”

“Talaga lang..wow ! Ngayon lang ako nakakilala ng lalakeng ‘di manlang kilala ang cheerleader ng squad ng school natin. Tbh, Nakaka-believe.. sabagay bago ka lang naman nag-aaral sa school natin tsaka ‘di ka nga pala mahilig makihalubilo sa kapwa mo..”nagulat naman ako sinabi niya.”Gulat ka no? Haha. Pero pansin ko lang ah parang hindi ka ata tahimik ngayon, Rain. Siguro crush mo ako ‘no? kaya ang daldal mo ngayon..Uy aminin!”

Agad naman akong umiling habang nanlalaki ang mga mata.

Siya crush ko? Ngayon ko nga lang siya nakilala.

“I’m just joking around, alright?Why are you look so tense?”

Syempre cheerleader ka,maraming nakakakilala sa’yo at talagang masasabi kong may dating ka kaya siguro nate-tense ako.

”Magaan lang kasi ang loob ko sa’yo kaya siguro nagiging madaldal ako sa harap mo.”nahihiya ko pang sagot. Magsasalita pa sana siya kaso bigla siyang napahinto at napatitig sa isang direksyon. “B-bakit? Para kang nakakita ng multo..”

“Hindi lang multo, Rain. Mga mukha pang kalahi ni Shrek!”bigla siyang tumayo sa  hindi ko malamang dahilan.”Rain, alam kong mahal ang bili mo dito sa kapeng ito pero tingin ko may mas worth it na makatikim nito. Huwag kang mag-alala babayaran naman kita.” 

Kahit naguguluhan ako sa kinikilos niya ay tumango na lang ako. Nagulat ako noong umalis siya sa harapan ko dala ang cappuccino coffee na inorder ko para sa kanya at ‘di manlang nya nabawasan.

Pumunta nya sa dalawang taong nag-uusap sa dulo ng coffee shop kaya agad ko siyang sinundan.

“So, dito pala kayo nagde-date Yuhan na bago mong girlfriend. I see..”nakangiti at malakas niyang sabi do’n sa lalaki na maputi. ” At ikaw naman Christine.. nag-eenjoy ka ba sa kadate mo?”

“Please Sunny stop this, nakakahiya sa mga tao.” rinig kong sabi no’ng Yuhan. “We’re done Sunny so stop this..”

“Yeah I know. Nakakahiya nga..pero mas nakakahiya pa rin noong sinigawan mo ko sa harap ng maraming tao at sinabihan na break na tayo. Aalis na rin ako gusto ko lang batiin ang bestfriend ko.”bigla niyang nilipat ang tingin niya Kay Christine. “Hi Bestfriend! Enjoy your date ha?”

Pagkatapos noon ay lumabas na kami ng coffee shop.

Paglabas namin ay lumapit siya sa isang matanda na humihingi ng limos kahit umuulan at inabutan niya ng cappuccino coffee na binili ko para sana sa kanya.

Simula noong araw na ‘yon ay lagi na kaming magkasama ni Sunny. Tuwing break time, lunch at kahit uwian. Minsan napagkakamalan na kaming magkasintahan.

At kahit  isang buwan palang kaming magkasama, aaminin ko,nahulog na ako sa kanya…Alam ko na masyadong mabilis ang mga pangyayari pero kapag tinamaan ka na ng ‘pag-ibig’ ‘di mo na ‘to mapipigilan.

At kapag pinigilan ko pa ‘tong nararamdaman ko alam kong lalo lang ako mahihirapan..

Kaya ngayong araw ay pinaghandaan ko ‘to. Nag-ipon talaga ako ng lakas ng loob para umamin sa kanya ngayong Valentine’s Day. Nagpatulong pa ako sa ate ko na bumili ng isang bouquet ng mga pulang rosas na paboritong bulaklak ni Sunny.

Gragraduate na rin naman kami kaya siguro tama na rin ‘tong magtapat ako sa kanya.Wala mang kasiguradahun at ‘di pa man siya ready ngayon ay handa akong maghintay para sa kanya.

“Ulan!”rinig kong tawag niya sa akin. Ulan at araw kasi ang tawagan namin. “Bakit mo ako pinapunta dito sa 4th floor ha?Anong meron?”

As usual nakangiti na naman siya at nakalabas ang mga dimples sa pisngi niya pero may kakaiba sa aura niya.. parang sobrang saya niya. At kahit na gano’n ang aura nya parang may kung anong pumipigil sa’kin.

Tama kaya ang tiyempo ko ngayon? Huwag ko na lang kayang ituloy ‘to?

Hindi pu-pwede. Tama! Ilang beses ko rin naipraktis ang mga lines ko sa harap ng salamin tapos aatras na lang ako ng gano’n?

Ulan bakit parang kinakabahan ka? May sakit ka ba?” nag-aalala niyang tanong sa akin. “Tsaka ba’t may dala kang mga rosas? Sakto may sasabihin nga pala ako sa’yo!”

Ngumiti  sa kanya. “Ahh..okay lang  ako araw.. Tsaka ako rin may sasabihin sa’yo.”

‘Di lang basta sasabihin kundi may aaminin ako, Araw.

Huminga ako ng malalim at  diretso syang tinignan sa mga mata.

“Ha? ano ‘yon? Sige ikaw muna.. mukhang kailangan mo ata ng tulong ko ngayon eh. Manliligaw ka pa ata ngayon?”

Lumuhod ako sa harap niya habang hawak-hawak ang bouquet na pulang rosas.

“Sunny Dela Vega makinig kang mabuti..” Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero kailangan ko na ‘tong ituloy.

“Rain anong–“

“Please, Sunny.. makinig ka muna  sa akin ngayon..” diretso pa rin akong nakatingin sa mga mata niya. “Sunny alam kong ‘di pa kita gano’n ka tagal na nakakasama, pero masasabi kong mabuting kaibigan ka. Masayang kasama at lagi ka ring nandyan para sa akin..”

Bigla siyang napatawa ng mahina “Hindi mo na kailangan magpasalamat,Rain. Syempre gano’n naman talaga ang magkaibigan di ba?”

Napalunok ako noong naramdaman ko na nanunuyot na ang aking lalamunan at nagsimula ulit magsalita. “Unang beses palang nang nagkakilala tayo ay agad mong nakuha ang loob ko…At ngayon, alam kong sa sarili ko na mahal na kita at ‘di lang bilang isang kaibigan, Sunny..Higit pa do’n. At talagang nagpapasalamat ako dahil na kilala at ibinigay ka Niya sa akin ,Sunny..”

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. ‘Di siya kaagad na kaimik at nakatingin lang sa malayo.

“A-ahh..Rain kasi..ano..”lalo akong nakaramdam ng kaba noong hindi siya makapagsalita ng diretso “Mahal din naman kita pero hindi katulad ng nararamdaman mo. Kaibigan lang ang tingin ko sa’yo..”

Bigla akong nanlumo sa sinabi niya para akong hinampas ng paulit-ulit ng mabigat na bagay dahil sa mga sinabi niya.

“Atsaka..about do’n sa sasabihin ko Rain.. Nagkabalikan na pala kami ni Yuhan. Ilang linggo rin siyang nanligaw ulit sa akin at humingi ng patawad. Nakipagbalikan ako dahil alam kong mahal ko pa rin siya hanggang ngayon…Sorry, Rain. Sorry.”

Dahil sa sinabi niya ay napabitaw na ako sa hawak kong mga rosas. Napayuko  ako at hindi na makatingin ng diretso sa kanya.

“Huwag kang magsorry,Sunny. Wala kang kasalanan…sana maging masaya na kayo ni Yuhan at huwag ka na sana nyang sasaktan.”kahit sobrang sakit ay nasabi ko pa ang mga salitang ‘yon.

Ang babaeng minahal ko sa mabilis na panahon ay gan’on din  pala kabilis mawawala sa akin.

“Huwag kang mag-alala,Rain…makakahanap mo ring ‘yong taong kayang suklian ang nararamdaman mo.”pagkatapos nun ay iniwan niya na akong mag-isa.

*~*~*

Agad akong tumakbo papunta  sa waiting shed ng mall noong bumuhos ang ulan. Bumili kasi ako ng regalo para sa birthday ng kapatid ni Sunny..walong buwan na ding nakalipas noong magtapat ako sa kanya at nagkahiwalay na rin kami ng landas pagkatapos ng graduation.

Noong una ay nahirapan akong tanggapin ang nangyari at hanggang sa ngayon ay unti-unti ko na rin natatanggap na hanggang magkaibigan na nga lang kami.

Masaya na silang magkasama ng boyfriend niyang si Yuhan at masaya naman ako para sa kanilang dalawa kahit may parte pa rin sa puso ko ang natitira para kay Sunny ay hindi ko na siya ginugulo at na natiling maging mabuting kaibigan na lang.

Nagpapasalamat ako kay Sunny dahil sa kanya ay marami akong natutunan. Natuto akong makisalamuha sa mga tao, laging tawanan lang ang mga problema, dapat huwag na huwag itong sarilinin , at higit sa lahat ay ang magkaroon ng lakas ng loob at huwag uurungan ang pagsubok kahit maraming hadlang sa buhay.

Binuksan ko ang payong na dala ko at nagsimulang maglakad. Malakas ang ihip ng hangin at tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may humigit sa braso ko.

“Kuya pwedeng makisabay?” tanong ng babaeng medyo basa na ang suot at tingin ko nilalamig na dahil sa ulan. Tingin ko ay kasing edad ko lang din siya. “Kahit dyan lang po sa may sakayan. Please?”

Nginitian ko lang siya at tumango at tinanong. “Taga sa’n ka ba?”

“Hahaha! Kuya kapitbahay mo lang ako!”

“Di nga?”

“Oo! Bagong lipat lang po ako do’n sa kalapit bahay nyo! Lagi nga po kitang nakikita at nakakasalubong kaso hindi mo ata ako napapansin.” napangiti naman ako. .

“Gano;n ba? Haha. Pasensya na kung ‘di kita napapansin. Sabay na tayong umuwi tutal magkapitbahay naman pala tayo e. Ako nga pala si Rain Wu.. Nice to meet you new friend and new neighbor?”natatawa kong pagpapakilala.

“Nice to meet you too, Rain! Ako nga pala si Bella Choi..Si Bella na babaeng laging nakakalimot magdala ng umbrella! “ nakangiti niyang pakilala.

Napangiti naman ako dahil may bago na naman akong nakilala habang umuulan.

Bigla naman sumagi sa isipan ko kung paano kami nagkakilala ni Sunny at paano tumakbo ang istorya namin na hindi tugma sa inaasahan ko pero masasabi ko na naging masaya ako sa pagiging pagkakaibigan namin. At muli, ako si Rain Wu at dito muna magtatapos ang istorya ko.

End. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s