Poem

Silya

Isang silya ang ating pagitan

Kaya ‘pag walang guro ako’y ‘yong lalapitan

Puso ko’y lumulundag sa saya

Di maalis ang ngiti ‘pag ika’y katabi na

Ika’y parang silya na laging masasandalan

Kaya lalo kitang lihim na hinangaan

Kasa-kasama ka lagi sa lungkot at saya

At ngayon masasabing sa’yo’y nahulog na nga

Bigla na ngang nangyari ang kinatatakutan,

Lihim ko ay iyo na ngang natuklasan

Akala ko noon ako ay ‘yong nang lalayuan

At hinding-hindi ka na malalapitan

silya1

Ngunit ako’y nagulat sa bigla mo ring pag-amin,

Nang totoo mo ngang nararamdaman sa akin

Ikaw rin pala ay merong lihim na pagtingin

At ‘di inakala na ako’y ‘yong mamahalin

Wala nang makakapantay sa ligayang aking nadarama

Dating pangarap lang ay posible rin pala

Itong ating silya na naging tulay sa ating dalawa

Nawa’y tayo ay pagtibayin ng tadhana.

Advertisements

3 thoughts on “Silya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s