Diary · Uncategorized

Bakasyon 2017

This is my first post about my life, and not k-drama related. So, ito na nga… namimiss ko ang mga pinsan ko at probinsya feels sa La Union kaya ‘to mags-share ako ng mga kaharutan naming magpipinsan este memorable moments namin. Ba’t ganun? Kahit saglit lang ako do’n sobra ko silang namimiss ngayon. *kuha tissue sabay punas ng… pawis! HAHA*

So these are the moments na hindi ko makakalimutan..

Karaoke 101

Dito naglabasan ang mga singer ng pamilya.. Gagaling ng mga pinsan ko kumanta, mga songers! ‘Di ko makakalimutan yung nagrap ako ng Love the way you lie tapos si Ate Aileen na kapatid ko ang kumanta ng part ni Rihanna. Shems! Naka-100 kami. Achievement ‘to mga tsong! Huhu. Ginalingan daw eh. HAHA.

Unexpected Pagligo sa Dagat

Ito talaga ang epic eh! Dapat pupunta lang kami sa centennial tree na nasa Carcarmay School pero dahil sa pangungulit namin sa aming poging uncle Joel napapunta kami sa dagat. At dahil sa kakulitan ng mga magaganda kong pinsan na sila Ishi,Tintin, at Cheska pare-pareho kaming umuwi na basang-basa dahil mga nagtampisaw sa dagat. Haha. Ganda ng sunset dito!

Unexpected pagligo sa Ulan

Kung merong unexpected pagligo sa dagat meron ding unexpected pagligo sa ulan. Sayang lang di na namin kasama ang kapatid ko na si ate Aileen dahil nakauwi na sya nito sa Batangas. First time kong maligo sa ulan kasama ang mga pinsan ko at sobrang unforgettable din. Naglaro pa kami ng volleyball habang umuulan.

Spin the bottle

Ginawa namin ‘to sa may kubo sa labas ng bahay ng mga ninuno este ng mga lola namin.. ito yung last night na kasama namin ang pinsan ko na si Shannon. Akala ko nga sabay kaming babyahe sa Manila kinabukasan kaso naging drawing ang sabay naming pag-uwi dahil nag-extend kami ng isa pang araw.  Kahit madilim sa kubo that night naging super saya, may truth and dare na nangyari at dito namin mas nakilala ang isa’t-isa. Nakausap at nakaclose ko dito yung mga pinsan na ‘di ko nakakausap dati at first time kong nameet. At kahit gabing-gabi na ang ingay namin. Super! Buti na nga lang ‘di nagagalit ang mga oldies sa amin. Haha. Puros tawanan at kalokohan. May mga napasayaw pa ng wala sa oras dahil sa dare, yung bromance nila ef-ef at alvin, pagkanta ko ng kpop song at maraming pang iba na ‘di ko na matandaan. HAHAHA.

Zumba 101

Grabe talaga ‘to mga bes! Pasimuno dito yung beki cousin ko na si ef-ef eh. Ala-una ata ng madaling araw kami nagzumba.. yung  mga steps naaalala ko pa! May video pa kami na sumasayaw, si kuya Sherwin pa ang nagvideo. Kakaloka talaga. Haha.  At the best din si insan Alvin that time.. nalaman ko kung gaano sya kagaling magtaekwondo ba ‘yun? *ehem ehem* (peace tayo insan) Haha. Grabe talaga tawanan namin sa scene nya na ano.. tuwing nagkakatinginan kami nila ef-ef at ishi natatawa kami eh.

Motor Stroll

First time ko magmotor stroll and nakakatuwa dahil mga pinsan ko ang kasama ko at ‘di ibang tao. First stroll namin is nung hinatid namin sa sakayan ng bus sila Shannon. Medyo kabado pa nga ako kasi baka mahuli kami  tapos tatlo pa kami sa isang motorcycle, naexplain naman sa akin ni Alvin na hindi kami mahuhuli at dahil may tiwala naman ako sa pinsan ko, gora lang!

Si Ishi sa dulo, ako sa gitna then si Alvin ang driver. Then naulit yung joy ride na yun kinabukasan.. sinama pa ako ni Alvin sa street dance practice nya sa may Carcarmay school. Dun kami nagtambay nila ishi, ef-ef at tintin habang nagprapractice ng sayaw si Alvin (SAYANG WALA TALAGA AKONG MAKITANG OPPA/PAPABELSS THAT TIME :(( HAHAHA). Tapos ginagaya pa namin nila Ef-ef yung pagkindeng ng mga nagprapractice habang pinapatugtog  yung ”sweet taste like honey..” chuvaness.

Di ko rin makakalimutan yung mga moments na halos makapakapit ako ng ng mahigpit kay Alvin kasi bigla nyang hinaharurot yung motor feeling ko nga tumakas ang kaluluwa ko. Char. Natatawa pa rin ako pag naaalala ko na napapahawak rin ng mahigpit sa balikat ko yung mga pinsan ko na nasa likuran ko umuupo. Special mention kay Tintin, Chriszen at Ef-ef..sila yung halos mapalundag na sa kinakaupuan nila. Sakit din ng tyan ko nung biglang liparin yun cap ko na suot ni Tintin noong pauwi na kami, sobrang lakas kasi ng hangin at bilis ng patakbo ni Alvin. Napabalik tuloy kami para pulutin sa daan yung cap ko. HAHAHA.

Movie Marathon and Sleeping together

Ilang gabi rin kaming nagmovie marathon then tabi-tabi natulog. Inaabot rin kami ng alas tres sa kapapanuod eh. Ito yung mga oras na may nakakatulog habang yung iba nanunuod kaya may nakuhanan ng stolen pics while sleeping.. sino kaya ang mga ‘to? HAHAHA. Dito ko rin nalaman kung sino yung mga malikot matulog or nags-sleep talk. Buti na lang ‘di ako nakakatulog..haha.

Other memorable memories:

  • The fall of Alvin’s slippers sa balon. Laughtrip talaga ako dito buti hindi si insan ang nahulog.
  • Yung todo pose kaming tatlo nila Chris zen at Tintin yun pala nai-video ni Alvin. Limang pose din yun tapos nakavideo pala! Kupal talaga ‘tong si Alvin.. Paulit-ulit pang pinapanuod habang tawa ng tawa. Hahaha. Lakas ng trip eh. Naiscreenshot pa yung picture ko na laughtrip ako. Kaloka!
  • Unforgettable lines:  “remembers”, “bakit kasi kung kelan pauwi na kayo tsaka pa tayo naging close”, “ba’t kasi ‘di kayo umiimik nung kelan!”,  at “last supper”.
  • Ayaw maniwala ng mga pinsan ko na wala pa akong nagiging boyfriend. NBSB ganern.
  •  Last group hug and pictorial. Ito yung pigil na ako sa pag-iyak eh. Atleast nayakap ko sila before akong umalis.  To be honest, ayaw ko pa talagang umuwi kaso may mga dapat pa akong asikasuhin.. hay kung pwede lang ulit silang mayakap for the second time. :”>

To be honest, ito ang pinakamabilis kong natapos na blog. Sobrang fresh pa kasi ng mga scenes tsaka ito yung ayaw kong makalimutan na pangyayari sa buhay ko (drama naman bes). Ipadala ko na kaya ‘to kay Ate Charo or sa Dear MOR? Hahaha. Grabe may hang-over pa rin ako sa bakasyon ko do’n. Ang daming unexpected events.. one of my best vacations in my life. And I hope na mangyari ulit ‘to and magkita-kita ulit kaming magpipinsan. 🙂

Thank you ulit mga insan and sa pag let nyo na mas makilala ko kayo kahit sa maikling panahon.  Kitakits!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s